San Pioquinto
KASAYSAYAN NG BARANGAY
Noong taong 1917 ang Malvar ay baryo ng Lipa, na kung tawagin ay Luta. Ang mga naninirahan dito ay pinamumunuan ng Hepe ng Pulisya na si Ginoong Gregorio Leviste. Noong taong 1919 ang baryo Luta ay ipinokralama na maging isang bayan, na isinunod sa pangalan ng bayaning Miguel Malvar, na kahuli-hulihang heneral na sumuko sa mga Amerikano. Sa pagsilang ng bayan, 12 baryo ang binuo. Isa sa naging baryo nito ay kung tawagin ay San Pioquinto, na nasa gawing hilaga ng bayan ng Malvar. Ang Baryo San Pioquinto ay isinaad sa pangalan ng isang pilantropo at kapitagang tao na si Pioquinto Leviste, na itinuring na santo sa kadahilanan ng isang magandang serbisyo at pakikitungo sa kanyang mga mamamayan.
PISIKAL NA ANYO NG BARANGAY
Ang Barangay San Pioquinto ay may Kabuuang lawak ng 227.7972.74 ektarya. Ito ay may layong 308 sq.m. sa kabayanan ng Malvar. Ito ay may kabuuang bilang ng populasyon na 4,493, kung saan ang bilang ng mga lalake ay 2,226 (CBMS 2009) at ang mga babae ay 2,267 (CBMS 2009). Ang rehistradong botante ay may bilang na 2,251 (CBMS 2009). Ang pangunahing pinagkakakitaan ng barangay ay empleyo.
TALAAN NG MGA OPISYALES NG BARANGAY
Punong Barangay: Vicente Millera Villanueva
Barangay Kagawad:
1. Mylene Villanueva Perez
2. Guadalope Saludo Gonzales
3. Queencie Malabanan Balita
4. Floro Unigo Calosa
5. Rodolfo Villareal Castillo
6. Demetrio Barrion Bulanhagui
7. Aniceto Sumadsad Malabanan
Barangay Secretary: Cynthia Bisarez Alla
Barangay Treasurer: Rosette Magaling Angeles
SK Chairperson: Daniella Mae Vivas Miranda
SK Member:
1. Jojo Linatoc Dimaano
2. Kimberly Joyce Esnaldo Gonzales
3. Janna Magaling Angeles
4. Deizel Magsino Cagampang
5. AL Jerald Dela Torre Castillo
6. Stephen Ryan Ilao Malolos
7. Danica Sobria Lajara
SK Secretary: Rowell U. Genodipa
SK Treasurer: Marlene Joy A. Malabanan