San Andres
KASAYSAYAN NG BARANGAY
Ang Barangay San Andres ay nagsimula sa tawag na “Kalikangan”. Ang araw ng kapistahan ay ipinagdiriwang tuwing katapusang araw sa buwan ng Enero. Subalit sa pagbabago ng panahon ito ay isinunod na sa kaarawan ng Mahal na Patron ng San Andres. Ito ay ginaganap sa huling Linggo ng buwan ng Enero.
PISIKAL NA ANYO NG BARANGAY
Ang Barangay San Andres ay may kabuuang lawak na 325,2809.27 ektarya. Ito ay may layong 5 kilometro sa kabayanan ng Malvar. Ito ay may kabuuang bilang ng populasyon na 2,798 (CBMS 2009), kung saan ang bilang ng mga lalake ay 1,392 at ang mga babae ay 1,406. Ang rehistradong botante ay may bilang na 1,537 (CBMS 2009). Ang pangunahing pinagkakakitaan ng barangay ay ang farming at manufacturing.
TALAAN NG MGA OPISYALES NG BARANGAY
Punong Barangay: Leo V. Morcilla
Barangay Kagawad:
1.Hannibal O. Tagle
2.Rodolfo L. Valencia
3.Julius V. Apuntar
4.Ronello F. Espiritu
5.Raul M. Dimaano
6.Corazon O. Llanes
7.Lucita A. Abrenica
Barangay Secretary: Raymond D. Velasco
Barangay Treasurer: Cesar T. Llanes