Luta Norte

KASAYSAYAN NG BARANGAY
Ayon kay Ferdinand Blumentrit ang sumulat ng maraming artikulo tungkol sa Kasaysayan ng Pilipinas na nailathala sa Boletin de la Sociedad Geografica sa Madrid, Spain noong 1866, ang kasaysayan daw g Malvar ay simula pa ng 1300 A.D noong si Datu Puti ay miyembro ng 10 datu ng Borneo na tumakas kay Sultan Makatunao ng Borneo at ito ay namuhay dito sa ating bayan na kung tawagin ngayon ay Batangas.

Ang kanyang lahi ay kumalat sa Laguna,Batangas at maging sa rehiyon ng Bicol sa loob ng 200 taon. Ang iba ay napunta sa isang lugar na kung tawagin ay Luta. Ang Luta noon ay isang Bario ng Lipa (Lipa City). Ang Lugar na ito ay nanggaling sa pangalan ng isang magandang babae na anak ni Datu Puti. Si Luta ang pinakabata at pinakamagandang babae na anak ni Datu Banga na pinapangarap ng lahat ng kabinataan. Nahulog ang kanyan loob sa isang Instik na ang pangalan ay Ling.

Noong sila ay malapit ng ikasal nagkaroon ng paghanga ang kanyang kapatid sa kanyang kasintahan. Dahil sa labis na pagseselos ng kanyang kapatid pinatay niya si Luta sa kandungan ng Intsik na kasuyo at ang lugar na iyon ay tinawag na Luta bilang pag-alaala sa kanya.

PISIKAL NA ANYO NG BARANGAY

North: Barangay Poblacion

South: Barangay Luta Sur

East: Barangay Bagong Pook

West: Barangay San Juan

Ito ay may kabuuang bilang ng populasyon na 2949(CBMS 2009), kung saan ang bilang ng mga lalake ay 1503 at ang babae ay 1446. Ang Rehistradong Botante ay may Bilang na 1,480(CBMS 2009). Ang pangunahing pinagkakakitaan ng barangay ay ang Farming at Manufacturing.

TALAAN NG MGA OPISYALES NG BARANGAY

Punong Barangay: Henry Liat Olan

Barangay Kagawad:
1. Carmelo Lat Vergara
2. Apollo Liat Reyes
3. Ludy Mindoro Dimaano
4. Sabino Manalo Olan
5. Joselito Sumadsad Dimaano
6. Cesar Olquin Redondo
7. Teodorico Dimaano Sumadsad

Barangay Secretary: Armando Lat Malabanan
Barangay Treasurer: Wilfredo Dolendo Montecer

SK Chairperson: Nathanael Ines Malabanan

SK Member: 

1. Althea Ordonio Lat

2. Christian Chides Casanova Flotado

3. Maria Christelle Sumadsad Lat

4. David Niel San Juan Amata

5. Russel Olan Layag

6. Sherwin Manalo Reyes

7. Jimuel Bico Olan

SK Secretary: Princess Joy M. Olan

SK Treasurer: Janjazel M. Redondo