Poblacion
KASAYSAYAN NG BARANGAY
Ang Barangay Poblacion ay nakadako sa timog silangan ng Bayan ng Malvar. Nang maging bayan ang Malvar (dating Luta na nayon ng Lipa) noong Enero 1919, ito ay naging sentro ng edukasyon, kalakalan, pangrelihiyon at pampalakasan. Dahil dito naitayo ang unang munisipyo sa Poblacion, sa bahay ni Mayor Leviste, unang alkalde ng bayan. Dito rin itinayo ang unang paaralan, paaralang Sentral ng Malvar noong 1945.
Pinangunahan ng mag-aararo na sina Miguel Aranda, Simeon Esligue, Nicasio Gutierrez, Julian Lantin, Estanislao Lat, Mariano Lat, Gregorio Leviste, Constatino Manalo, Sebastian Trinidad, Pedro Torres, Gregorio Villapando at Pelagio Wagan ang pagluklok ng munisipyo at samahan sa Poblacion. Maraming pangkaunlarang pangyayari ang naganap simula noon.
PISIKAL NA ANYO NG BARANGAY
Ang Barangay Poblacion ay may kabuuang lawak na 203.2866.57 ektarya. Ito ay may layong humigit-kumulang isang kilometro sa kabayanan ng Malvar. Ito ay may kabuuang bilang ng populasyon na 6,746 (CBMS 2009), kung saan ang bilang ng mga lalake ay 3,286 at ang babae ay 3,460. Ang rehistradong botante ay may bilang na 3,293 (CBMS 2009). Ang pangunahing pinagkakakitaan ng barangay ay pagsasaka at pagnenegosyo at pag-eempleyo.
TALAAN NG MGA OPISYALES NG BARANGAY
Punong Barangay: Simeon B. Magpantay
Barangay Kagawad:
1. Nathaniel M. Israel
2. Jimmy Felix E. Lintan
3. Valentino L. Cabello
4. Eldrin L. Mangubat
5. Caridad S. Lat
6. Ruby Laydia Miraflor
7. Lorna P. Umali
Barangay Secretary: Edgardo L. Terrenal jr.
Barangay Treasurer: Glenn DG. Dimaano
SK Chairperson: Rafael Miguel R. Custodio
SK Member:
1. Camell R. Latayan
2. Samantha H. Cayabyab
3. Emerson U. Motol
4.Arnel I. Dela Peña Jr.
5. Crisser Anzell B. Lat
6. Kirsten Gyle R. Olan
7. Ana Mae F. Faderanga
SK Secretary: Xhiño Jeriele V. Katigbak
SK Treasurer: Rosette Ann T. Delantar