Luta Sur

KASAYSAYAN NG BARANGAY
Ang Barangay Luta Sur ay hinango sa pangalan ng Dayang-Dayang na isang magandang dalagang anak ni Datu Puti. Ang Barangay na ito ay dating bahagi ng isang purok na nasasakupan ng Lungsod ng Lipa at nahati sa dalawang barangay, ang Luta Norte at Luta Sur noong 1966.

PISIKAL NA ANYO NG BARANGAY
Ang Barangay Luta Sur ay may kabuuang lawak na 218.08 ektarya. Ito ay may layong humigit-kumulang isang kilometro sa kabayanan ng Malvar. Ito ay may kabuuang bilang ng populasyon na 3,199 kung saan ang bilang ng mga lalake ay 1,551 at ang babae ay 1,648. Ang rehistradong botante ay may bilang na 1,785. Ang pangunahing pinagkakakitaan ng barangay ay pagsasaka at pagtatrabaho sa mga pribadong kompanya (electronics).

TALAAN NG MGA OPISYALES NG BARANGAY

Punong Barangay: Wilfredo A. Garcia

Barangay Kagawad:
1.Jovell D. Olan
2.Nelia G. Abu
3.Nestor G. Velasco
4.Josephine V. Ada
5.Nelson V. Macalintal
6.Allan L. Tamayo
7.Alvin G. Peñaflor

Barangay Secretary: Mary Elaine V. Briones
Barangay Treasurer: Edgardo R. Vanguardia