Bulihan
KASAYSAYAN NG BARANGAY
Ayon sa nakaraang panahon, ang Pangalang Bulihan ay nagmula sa salitang “BULI” ito ay isang halaman na ginagamit ang mga dahon nito sa paggawa ng mga sombrero, banig, bayong at iba pa. Nuon ang lugar na ito ay punong puno ng halamang Buli, na siyang pinagkukunan ng kabuhayan ng mga taong unang nanirahan dito, kung kaya’t ito ay tinawag nang “Bulihan”. Ang barangay na ito ay dating isang “Sitio” lamang, tinatawag ito nuon na San Isidro Bulihan. Taong 1972 natatag bilang isang Barangay, sa pamumuno ni Barangay Captain Leonardo Lat. Karamihan sa mga naninirahan dito ay mga magsasaka, kung kaya’t pinili na mging Patron ng Barangay, ang Patron ng San Isidro.
TALAAN NG MGA OPISYALES NG BARANGAY
Punong Barangay: Restituto DM. Lat
Barangay Kagawad:
1.Nelson M. Lat
2.Amelita L. Linatoc
3.Imelda L. Hernandez
4.Rechelle R. Olan
5.Eduardo M. Serrano
6.Gerardo M. Recio
7.Carmelita DM. Tosino
Barangay Secretary: Gerardo L. Runes
Barangay Treasurer: Julie Ann Marie F. Amar