San Gregorio
KASAYSAYAN NG BARANGAY
Ang Barangay San Gregorio ay kinikilala bilang isang sitio ng Barangay San Pedro bago sumiklab ang ika-2 digmaang pandaigdig. Tinatawag noong San Pedro Callejon, ito ay nararating lamang sa pamamagitan ng pagbagtas sa isang malaking ilat karugtong ng isang “daang-tao” o “trail”.
Ang San Pedro Callejon ay natatandaang pinamamahayan lamang ng tinatayang 50 katao, na karamihan ay nagmula sa kalapit na barangay Bilucao at San Pedro. Ang mga tao ay nabubuhay sa pamamagitan ng paglilinang. Unang pinamunuan ang San Pedro Callejon ng isang nagngangalang Julian Linga na kinilala bilang unang Kabesa. Sumunod na pinuno ay si Maximo Onte. Sa kauna-unahang halalan na naganap January 10, 1960 nahalal si Leandro Del Mundo, unang naging “Bario Lieutenant” at siyang pinakamatagal na naging pinuno ng barrio.
Sa panahon ng pamumuno ni Adriano Pitogo, naganap ang pagpapalit sa pangalan ng barrio na tinawag na “Callejon”. Sa dalawang pinaniniwalaang dahilan ng pagpapalit — una’y dahil sa mga kaguluhang nagaganap sa barrio, isinangay ito sa isang “Santo” upang maging tahimik at payapa ang barrio, pinangalanan itong “San Gregorio” ang patron ng mga mang-aawit, mag-aaral, at guro. Ikalawang paniniwala ay isinunod ang pangalan ng barrio sa isang taong nagngangalang “Gregorio” na sinasabing malaki ang naitulong at naibigay nito sa barrio.
Sandali ring nanungkulan bilang Kapitan si Aurelio Del Mundo sa paghirang ni Pangulong Marcos. At sunod nang pinamunuan ang Barangay San Gregorio ni Feliciano Manalo, Gerardo Onte, Flaviano Perilla at Virgilio Linga.
PISIKAL NA ANYO NG BARANGAY
Ang Barangay San Gregorio ay may kabuuang lawak na 90.33 ektarya. Ito ay may layong 4.1 kilometro sa kabayanan ng Malvar. Ito ay may kabuuang bilang ng populasyon na 1,091 (CBMS 2009), kung saan ang bilang ng mga lalake ay 537 at ang mga babae ay 554. Ang rehistradong botante ay may bilang na 627 (CBMS 2009). Ang pangunahing pinagkakakitaan ng barangay ay ang kabahagi sa IRA, RPT, clearance fee, koleksyon at iba pa.
TALAAN NG MGA OPISYALES NG BARANGAY
Punong Barangay: Virgilio M. Linga
Barangay Kagawad:
1. Niña Fe O. De Villa
2. Pygay M. Canicola
3. Rodillo O. Aquino
4. Clarito O. Villapando
5. Lyka D. Onte
6. Romel A. Unera
7. Mario U. Manalo
Barangay Secretary: Jolina M. Mea
Barangay Treasurer: Francisco U. Torres
SK Chairperson: Emiel M. Macandili
SK Member:
1. Elaiza M. Del Mundo
2. Jhanna Mae C. Manalo
3. Nikko M. Ranara,
4. Alexander Von M. Ancayan
5.Jonathan O. Lucillo
6. John Paul DM. Catli
7. Dhaniel Lenard DM. Siman
SK Secretary: Joi Anne P. Magpantay
SK Treasurer: Lester Jake U. Tolentino